« Home | Nirvana at The Spa » | close encounter with tumbs' twin » | chat excerpts and the last song syndrome » | anniversaire » | under the weather » | uneventful » | where the dough went » | another one please? » | new chapter » | i promise »

para sa yo...

Saranggola sa Ulan
Gary Granada
Naririnig ko pa ang bawat hagikhik
ng una kong sinta at kalarong paslit
at ang sabi ng matatanda
siya ay maalwan ako'y dukha
Di raw kami bagay
at kay raming dahilan
ngunit si Bakekay ay walang pakialam
sa aming kamusmusan kay raming palaisipan
ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa'y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan
At kung ang pagsinta'y di rin magtagal
ang mas mahalaga natutong magmahal
umibig ng walang panghihinayang
kahit na malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
at sa pagmamadali nasagi aking puso
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng langit laging sinasabi ko
o siya nawa ay siya na nga ang totoo
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan
Eto ako tumatandang nakahandang panindiganang
bato sa tubig ay lulutang at lilipad ang saranggola sa ulan.
Alam ko theme song ito ng buhay pag-ibig mo. Salamat nga pala sa pag share mo sa akin ng napakagandang awitin na ito. Ako din ay isang romantiko at naniniwala sa laman ng kanta.Alam ko mahal mo siya, pero hanggang kelan ka handa na magtiis, hanggang saan mo kayang masaktan sa isang bagay na walang kasiguraduhan? hahayaan kitang magmahal kung alam kong mabuti ito para sa yo. kung nakikita kitang masaya, pero unang beses ata kita nakitang maluhaluha sa publiko ay kinabahan ako. hindo mo yon role. ohmigosh! at may balak ka pa atang agawan ako ng trono bilang drama queen.
i can't tolerate the waiting, waiting for something that may never be. heck, if you asked me to do some evaaaahl stunts with you to expedite something, anything to know what his plans are, i would!!! don't you wanna know where you stand? oo, nakakabaliw ang umibig. at normal din na masaktan dahil sa pagibig, at minsan dahil likas din tayong masokista ay kahit alam nating pwede tayong masaktan, eh ok lang. Kibber! pero hindi okay maging bulag kung napakalaki naman ng mga mata mo. di ba ikaw na din ang nagsabing mala-flashlight ang mga mata mo? bukod sa nakikita, ano ba talaga ang nararamdaman mo? may pupuntahan ba talaga lahat ng pagtitiis, paguunawa at pagbibigay ng paulitulit?
malaki ka na. madami tayong ugali na magkapareha, at sana isa dito ay ang magpakatanga at isang araw ay mauntog, matauhan at mamulat ng tuluyan. at sa pag mulat mo, pangako, tutulungan pa kitang magpalipad ng saranggola sa ulan...

PASSPORT

  • I'm JAI-nism
  • From
  • freelance writer.copy reader.travel specialist.only child for 14 years.development communication grad.journalism major.gender and development advocate.bahrain raised pinay.ilonggang batanguena.borbonian.mall rat.math ditz.bipolar.lacks sense of direction.socially challenged.sporadic blogger.obsessive compulsive.manic-depressive.traveler with motion sickness.elbi infatuated.soi-disant fashionista.photography dabbler.culture vulture. gourmand.havaianas addict.free spirit.incurable bookworm.drama queen.maldita personified.super lambing.taray queen.chocoholic.shoe fetishist.shameless laitera.adored and abhorred.hopeless romantic.over-doting big sister.loyal friend.spiteful enemy.spoilt brat.self critic.jaded cynic.bitch and a half.faithful and loving ex-girlfriend.good girl with bad habits.
My profile
www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from jai-nism. Make your own badge here.
Free Web Counter
Free Hit Counter
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons License. Locations of visitors to this page